Hanggang kailan ka mananatili? Kapag nakadama ka ba ng discomfort ay aalis ka na? O kapag feeling mo ay nahusgahan ka ay di ka na mag aactive. Minsan pa ay kapag nakakuha ka na ng magandang buhay ay malilimutan mo man lang magsimba. Are you still motivated o baka napipilitan ka nalang dahil nasa posisyon ka?
Mga kapatid, sa ating pagbasa ngayon ay makikita nating napakabusy parin ni Jesus sa ministry life niya. Matapos ng himala kahapon at pagpapagaling sa maysakit ay heto naman siya ngayon na nagpapalayas ng mga demonyo. Ngunit kung papansinin natin ay bida bida nanaman ang mga tsismosa sa pagbasa dahil kahit na mabuti ang ginagawa ni Hesus ay pinagkakalat nilang kaya lang naman ito nakakapagpalayas ng demonyo ay dahil siya ang prinsipe ng mga demonyo. Pero wapakels si Hesus kasi kahit na ganito ang reaksyon ng karamihan ay patuloy pa din siya sa kanyang misyon. At ayun, di natin siya mapipigil dahil kung saan saan pa siya pumunta upang ipamalita ang Salita ng Diyos. At ng makita niya ang mga tao ay naantig at naawa ang puso ni Hesus sapagkat sila ay tila bagang inabandona at wala ng pastol. Kung kaya't inulit nanaman ni Hesus ang gospel noong Linggo, "Marami ang kailangang gawin ngunit unti lamang ang manggagawa".
Kaya kung naghihina ka kapatid. Balikan mo itong pagbasang ito. Madami pa ang mga taong nangangailangan ng isang tulad mo upang ipamahagi ang Salita ng Diyos. Wag kang panghinaan ng loob sa mga tsismosa sa paligid. Di na talaga sila mawawala kahit sa panahon pa ni Hesus. Kung ang mga tsismosa nga ay di napapagod at di nagpapatinag, ikaw pa kaya? Keep yourself motivated through our Lord at sa mga kasama mong di rin sumusuko para sa misyong iniatang sa atin ng Diyos.