Monday, September 10, 2018

Para Sa Mga Patuloy na Nagmamahal Pero Hindi Pinapansin


Kapatid, ikaw ba ay nagmamahal ngunit hindi pinapansin? Tamang tama. Para sa iyo itong mensaheng ito.


Naranasan mo na bang magchat sa taong gusto mo ngunit walang reply? Tinignan mo nga ang chatbox wala man lang seen. O kaya naranasan mo na din bang magbigay ng regalo pero hindi tinanggap? Grabe, pinaghirapan mo pa naman yun pero di naappreciate. At ito pa ang mas malala mga kapatid, nagsabi ka nanga ng "I love you. Mahal kita." dalawang wika na yan ah para intense, pero wala pa ding pake. Ang sakit diba? Ang sakit ma ignore ng taong mahal mo? Ang sakit ipagsiksikan ang sarili sa taong never ka naman mapapansin.

 "Sino ang Diyos para sa atin?"

Para sayo, sino ang Diyos? Kilala mo ba siya? Kinikilala mo ba siya? O wala ka namang pake?
Para sa akin, ang Diyos ay yung patuloy na nagmamahal sa iyo pero hindi mo pinapansin. Grabe ka kasi eh. Sabi ni Lord may mensahe siya para sayo pero di ka naman nagbabasa. Binigyan ka ni Lord ng magandang regalo pero hindi mo naman tinatanggap. At ito pa ang mas malala, araw araw niyang sinisigaw sayo na mahal na mahal ka niya pero wala ka namang pake. Kaya yang nararanasan mo, araw araw yang nararanasan ni Lord sa atin.

Iba kasi ang sentro ng buhay mo eh. Iba ang diyos mo. Ang sentro ng buhay mo ay yang mga problema mo. Sa kakaisip mo sa mga problemang yan, naging mundo mo na. Mundo na ikaw lang ang may alam. Malayo sa Diyos. Malayo sa tunay na nagmamahal sayo.

Pero sana sa pamamagitan nito kapatid, mabuksan ang puso mo. Maramdaman mo sanang may Diyos na patuloy na nagmamahal sa iyo kahit paulit ulit mo Siyang sinasaktan.

2 comments: